Ganito Ako Magbakasyon... Noon
Ang batang makulit,
Pag summer, mega-init
Walang pasok, uwi sa Ilocos
Doon kay Lolo at Lola
Dalawang linggo hanggag isang buwan.
Tabacco, bigas, mangga,
Kamote, mais, talong, sili,
Katuray, atbp.
Sarisaring tanim,
Kantang ‘bahay kubo” buo na.
Ang carayan, (ang ilog),
Paboritong puntahan,
Si Lola noon doon naglalaba,
Sa gilid maraming tutubi,
Hinuhuli, hinahabol ng batang makulit.
Habulin ang manok,
Ang inahin, tandang pati sisiw,
Pakainin ang baboy,
Sumakay sa kariton
Hila ng kalabaw o baka,
Nasaan ang kambing?
Ayun pinaluto na ni Lola!
May TV, dalawang channels,
Malabo pa; wag na lang manood,
Sumama sa bukid,
Pumunta sa carayan,
Maghabulan sa plaza,
Mag-attend ng DVCS,
Ang batang makulit.
Pagkatapos ng bakasyon,
Uwian na,
Mangungulit naman dito sa Manila.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home